Speech

Remarks of President Ferdinand Romualdez Marcos Jr. during his visit to the Pasig City Sports Complex vaccination site for the Pinaslakas Booster Vaccination Campaign

Event During his visit to the Pasig City Sports Complex vaccination site for the Pinaslakas Booster Vaccination Campaign
Location Pasig City Sports Complex in Pasig City

Please sit down.

The national representative for the House of Representatives of the lone district of Pasig City, I guess magka-klase din tayo sa House, my classmate in the House of Representatives, Roman Romulo; the Usec. Vergeire who is here with the other officials of the DOH; Pasig City Mayor, Mayor Vic Sotto; the members of the City Council headed by our Vice Mayor, Vice Mayor Dodot Jaworski; all my fellow workers in government; at ang ating mga butihing kasama na nandito, magandang hapon po sa inyong lahat.

Ang sadya ko po rito ngayong hapon ay napakasimple lamang. Tinitingnan ko po kung maganda at mahusay ang patakbo ng ating booster rollout na ating ginagawa ngayon. Dahil alam niyo naman po itong COVID masyado tayong minamahal dito sa Pilipinas, ayaw tayong iwanan. Kaya’t kailangan magpabakuna tayo nang mabuti dahil siguro naman nabalitaan na ninyo maraming mga variant eh ‘yung bakuna kung minsan kailangan isa pa para talagang tiyak tayo na hindi na tayo aabutan nung kahit na ano pang variant.

Kaya naman po ay we have to congratulate the City Government of Pasig dahil talagang maayos. Kumusta na kayo? Masaya na kayo dahil nagpabakuna na kayo, ligtas na. Hindi na kayo kailangang matakot pero mag-mask pa rin kayo at saka maghugas ng kamay. Ganoon lang naman eh. Kahit naman walang COVID dapat naghuhugas ng kamay kaya magandang kasanayan ‘yan.

Anyway, kaya nga ako nagpunta rito dahil nga makita na maganda ang ating pag-rollout ng mga booster ulit. Kaya’t kayo na nandito na na magpapa-booster na ay hikayatin ninyo ‘yung mga kasamahan ninyo, ‘yung pamilya ninyo lahat, sabihin ninyo lahat na magpa-booster na para hindi niyo na kailangan alalahanin itong COVID na ito para masasabi natin dito sa Pilipinas ay tapos na.

Wala naman tayong ibang panlaban dito kung hindi ang vaccine. Huwag na po tayo — ‘wag na po nating hintayin na dumami pa ang mga kaso at maging mahirap na naman ang ating pagpunta sa trabaho, ang ating paglabas ng bahay. 

Ngunit naipangako ko sa inyo at uulitin ko sa aking palagay kaya naman nating makontrol ito kaya’t hindi na tayo maglo-lockdown, wala ng lockdown tayo. [applause]

Basta’t maging… Lalo na ‘pag naging matagumpay ang ating rollout. Kaya’t mabuti ay nakadalaw ako at makita ko kayong lahat at makita ko na marami naman sa ating mga kababayan ay nakuha na ang mensahe na magpa-booster shot.

So good luck sa inyong lahat. Ingat lang po kagaya po ng dati. Ingat lang po. Follow the protocols: hugas ng kamay, suot lang muna po ng mask hanggang masabi natin ang Pilipinas ay COVID-free.

Maraming salamat sa inyong lahat. Magandang hapon. [applause]

 

— END —