Ang tungkuling ginagampanan ng mga nanay ay mahalaga sa pag-unlad hindi lamang ng kanilang mga anak kundi pati na rin ng bayan. Bilang pasasalamat sa kanila, nag-organisa ang PCOO GAD Focal Point System (GFPS) ng aktibidad na may temang “Alay Para Kay Nanay” kahapon, ika-4 ng Mayo 2022, sa Lungsod ng Las Piñas.
Pinapasalamatan din ng PCOO GFPS ang City of Las Piñas para sa kanilang pag-suporta sa aktibidad na ito.
Mula sa PCOO GFPS, Happy Mother’s Day po, mga dakilang Nanay!